cavite career caravan 2025 of peso carmona

November 26, 2025

Matagumpay na idinaos ang Cavite Career Caravan 2025 sa pangunguna ng Office of the City Public Employment Service Manager. Dito ay maraming jobseekers ang nakiisa at lumahok sa nasabing programa para mag-apply sa mga job opportunities na handog nito. Maraming salamat sa 228 Applicants na nakiisa at sa 9 National Government Agencies, 5 Overseas Agencies, 26 Local Agencies na lumahok sa ating Caravan. Sa naturang programa ay nasa 73 na jobseekers ang Hired on the Spot (HOTS) at nakapasa sa mga lumahok na kumpanya at ahensya.

 

Dalangin ng Lokal na Pamahalaan ang inyong matagumpay na aplikasyon sa mga oportunidad na handog ng makabuluhang programang ito hatid ng DOLE, Provincial Government of Cavite, Cavite Provincial PESO, at SK Federation of Cavite, katuwang ang Department of Migrant Worker.