birthday cash gift for 803 senior citizens in carmona

November 25, 2025

Sa pakikipagtulungan ng Office of the City Social Welfare and Development Officer, matagumpay nating naisagawa ang pamamahagi ng munting handog ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona na isang simbolo ng pagmamahal at pagpapahalaga para sa 803 na Senior Citizens na nagdiwang at magdiriwang ng kaarawan ngayong buwan ng Nobyembre.


Belated at advanced happy birthday po sa inyong lahat. Nawa’y magsilbing dagdag-suporta ang regalong ito para sa inyong pang-araw-araw na pangangailangan.