bawat eskuwela assistance program education assistance for 802 mabes pupils

November 27, 2025

Idinaos ang pamamahagi ng educational assistance mula sa Bawat Eskuwela Assistance Program ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona para sa 802 na mag-aaral ng Mabuhay  Elementary School sa pangunguna ng Community Affairs and Youth Development Office.

 

Ang programang ito ay bahagi ng selebrasyon ng National Children’s Month ng Lokal na Pamahalaan na naglalayong makatulong para sa mga pangangailangan sa pag-aaral at upang matiyak na maayos ang inyong kalagayan.