bawat eskuwela assistance program educational assistance for 470 pupils of palmes

November 28, 2025

Dumako ang Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pangunguna ng Community Affairs and Youth Development Office, sa Paligawan Matanda Elementary School (PALMES) upang magsagawa ng distribusyon ng educational assistance mula sa Bawat Eskuwela Assistance Program para sa 470 na mag-aaral nito.

 

Ang programang ito ay bahagi ng selebrasyon ng National Children’s Month ng Lokal na Pamahalaan na naglalayong makatulong para sa mga pangangailangan sa pag-aaral at upang matiyak na maayos ang inyong kalagayan.