voluntary blood donation activity: dugo mong iaalay, pantawid buhay!

November 21, 2025

Idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pangunguna ng Office of the City Health Officer, ang Voluntary Blood Donation Activity sa Carmona Community Center sa pagtutulungan ng DOH CALABARZON, National Voluntary Blood Services Program (NVBSP), Philippine General Hospital (PGH), Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH), Alpha Phi Omega Carmona Alumni Association, Alpha Phi Omega GMA Alumni Association, at TV5 Alagang Kapatid Foundation.

 

Dito ay nasa 306 na units of whole blood ang nakolekta mula sa mga voluntary blood donors galing sa iba’t-ibang barangay, kumpanya, DepEd Carmna, DILG Family, at mga kawani ng Lokal na Pamahalaan. Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumugon sa panawagan para sa ligtas at sapat na dami ng supply na dugo.

 

Dugo mong iaalay, Pantawid Buhay!