Idinaos ang Geochang Jungang Rotary Volunteer Service Program sa Carmona Elementary School kung saan nagsagawa ng Ceremonial Turnover ng Educational Materials para sa mga learners ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) at mga food packs, t-shirt, at school supplies para sa mga mag-aaral ng CES.
Kaugnay nito ay namahagi ng financial assistance ang programa para sa mga solo parents ng CES. Taos-pusong pasasalamat sa ating mga nakasama sa makabuluhang programa na ito sa pangunguna ng President ng Geochang Jungang Rotary Club na si Mr. Kim Jung Hwa.
Lubos po kaming humahanga sa inyong adhikain na makatulong sa mga mamamayan lalo na sa mga kabataang Carmona.