food and relief packs distribution for familes in the city of carmona affected by severe tropical storm #uwanph

November 10, 2025

Kasama sina City Vice Mayor Cesar L. Ines, Jr at Sangguniang Panlungsod Members ay nagsagawa po tayo ng Food at Relief Packs Distribution sa mga pamilya at indibidwal na lubhang naapektuhan ng Bagyong #UwanPH mula sa Barangay Maduya, Sitio Paligawan Matanda, Barangay Lantic Evacuation Center, Barangay Mabuhay Evacuation Center, at CarSiGMA Gymnasium.

 

Sa panahon ng sakuna at emergency, sinisigurado po natin na walang maiiwan at lahat ay mabibigyan ng tulong upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

 

Patuloy po tayong magtulungan at magmalasakit sa isa’t isa, habang ang Pamahalaang Lungsod ay patuloy na maghahanda at paiigtingin pa ang mga hakbang para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat Carmoneño sa panahon ng bagyo at anumang sakuna.