Idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pangunguna ng Office of the City Human Resources Management Officer, ang Empowering Teams: Building Gender-Inclusive Workplaces na dinaluhan ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan. Dito ay nagsagawa ng mga aktibidad na nagpatibay ng samahan ng bawat dumalo na makakatulong upang makapagbigay ng makabuluhang serbisyo para sa mga mamamayan ng Lungsod.