close out meeting for sts uwan 2025

November 11, 2025

Pinangasiwaan ni Mayor Dahlia A. Loyola, kasama ang mga miyembro ng City at Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council, ang Close Out Meeting para sa Bagyong #UwanPH. Dito ay ating pinag-usapan ang mga naging gampanin ng Lokal na Pamahalaan sa pagtugon sa banta ng nasabing bagyo upang malaman kung ano pa ang ating maaaring pagbutihan para mas maging maayos ang kalagayan ng ating Lungsod sa anumang sakuna at emergency nating haharapin pa.

 

Tungo sa isang mas resilient at handang Lokal na Pamahalaan, palagi po nating tututukan ang ating kapaligiran at yayakap ng mga makabagong pamamaraan para sa disaster preparedness.