city civl mass wedding for 64 loving couples in the city of carmona
November 13, 2025
Isang masigabong pagbati sa ating mga bagong kasal!
Congratulations at best wishes sa 64 couples ng City of Carmona na opisyal na ng kanilang pagmamahalan sa Kasalang Bayan 2025 ngayong Nobyembre.
Tiyak na mas naging espesyal ang ating masayang pagdiriwang dahil handog natin ang libreng reception, souvenir cake and wine, at ang wedding gift mula sa Tanggapan ni Cong. Roy M. Loyola at ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona. Nawa’y maging matatag, masaya, at puspos ng pag-ibig ang inyong pagsasama, at nawa’y laging manguna ang Panginoong Diyos sa bawat pasya at hakbang ninyo bilang mag-asawa.
Taos-puso rin ang pasasalamat sa Office of the City Civil Registrar sa maayos at matagumpay na pamumuno sa seremonya. Nawa’y manatiling tapat ang inyong pag-ibig at patuloy na magbunga ng magaganda at masasayang alaala sa inyong bagong yugto ng buhay.
