Idinaos ng Office of the City Health Officer ang Buntis Congress na dinaluhan ng 180 pregnant women sa Lungsod. Dito ay nagsagawa ng iba’t-ibang lectures gaya ng Lecture on Maternal Diseases sa pangunguna ni Dr. Nicole Reyes at Maternal Mental Health sa pangangasiwa ni Mr. Herald Ambayec, RN.
Kasabay nito ay ginawaran din ang mga nagwagi sa Gandang Buntis Contest mula sa Phase 3 (1st Place), Cabilang Baybay (2nd Place), at Uno Poblacion (3rd Place). Layon ng naturang aktibidad na magbigay ng kaalaman sa dekalidad na pangangalaga sa mga buntis at para rin sa kalusugan ng mga sanggol.