Nagdaos ang Persons with Disability Affairs Office ng Barista Training sa pangunguna nina Dr. Joan Fortuna at Mr. Klenton Torrevillas mula sa Hospitality Management Department ng Cavite State University – Carmona Campus.
Ito ay dinaluhan ng mga volunteers ng Kalingyakap at ng mga kawani at learners ng PDAO upang madagdagan ang kanilang kaalaman na kanilang mapapakinabangan para sa paghahanap-buhay at dagdag oportunidad para sa mga PWDs.