1st-ever carmona city meet 2025

November 21, 2025

Matagumpay na idinaos ang pormal na pagbubukas ng 1st-Ever Carmona City Meet 2025 na lalahukan ng mga paaralan sa ating progresibong Lungsod. Dito ay aktibong lumahok ang mga kabataang atleta mula sa siyam (9) na Public Elementary Schools, dalawang (2) high school, at apat (4) na private schools sa ating Lungsod na magpapamalas ng kanilang husay at galing sa larangay ng sports.

 

Ang City Meet ang testamento ng ating dedikasyon para sa sports development sa ating Lungsod at upang mapalawak pa natin ang mga sports initiatives na lilinang sa ating mga kabataan. Congratulations po sa lahat ng nagwagi sa ating pinakaunang City Meet at sana’y magbunga pa ang inyong mga pinagsikapan at magpatuloy ang inyong tagumpay!