dilg calabarzon recognizes ocenro for mbcrpp 2023 lgu-ca

November 07, 2025

Sa ngalan ng inyong lingkod ay nagtungo si City Vice Mayor Cesar L. Ines, Jr. para tanggapin ang Certificate of Recognition para sa Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pamamagitan ng Office of the City Environment and Natural Resources Officer (OCENRO), sa ating matagumpay na pagpasa sa 2023 Local Government Units Compliance Assessment (LGU-CA) sa ilalim ng Manila Bay Clean-up, Rehabilitation, and Preservation Program (MBCRPP).

Pagbati sa ating OCENRO sa pangunguna ni Mr. Rommel DL. Peneyra para sa pagkilalang ito. Ito ang patunay ng kalidad ng mga programa at aktibidad ng Lokal na Pamahalaan para sa ating kapaligiran. Congratulations, City of Carmona!