cavite mayors' coordination meeting with sec. jonvic remulla

November 07, 2025

Dumalo si City Mayor Dahlia A. Loyola sa isinagawang Coordination Meeting ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pangunguan ni Sec. Jonvic Remulla para sa mga Punong-Bayan at Punong-Lungsod sa Lalawigan ng Cavite. Dito ay pangunahing tinalakay ang usapin ukol sa expansion ng telecommunications services sa ating probinsya.

Bukod dito ay dinulog din ang iba pang mga issue at suliranin na kailangang tugunan ng Lalawigan sa pangunguna ni Gov. Abeng Remulla.