Aktibong naki-duck, cover, and hold ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona sa isinagawang EARTHQUAKE DRILL bilang hudyat ng 4th Quarter NSED ngayong araw sa pangunguna ng Office of the City Disaster Risk Reduction and Management Officer. Layon nito na ihanda ang bawat Tanggapan sa mga hindi inaasahang banta ng lindol.