WORLD MENOPAUSE DAY 2025: BRIDGING CARE THROUGH COLLABORATION
October 18, 2025
Bilang pakikiisa sa World Menopause Day 2025 ay isinagawa ang Bridging Care though Collaboration Lay Forum na dinaluhan ng nasa 115 na Barangay at Family Health Workers. Ang naturang program ay sa pangunguna ng Office of the City Health Officer at sa pakikipagtulungan ng Philippine OB-GYNE Society – Southern Luzon Chapter (POGS-SLC), Philippine Society of Climacteric Medicine-Southern Luzon Chapter (PSCM SLC), Philippine Orthopedic Association (POA) South Luzon, Philippine College of Surgeons (PCS) South Luzon, at Cavite Medical Society.
Idinaos ang aktibidad sa XPO Carmona (formerly Manila Jockey Club) kung saan ibinahagi ang mga mahalagang kaalaman ukol sa menopause, osteoporosis, at breast cancer. Kasabay din nito ay nagsgawa rin ng libreng screening services para sa Visual Inspection with Acetic Acid (VIA), clinical breast exam, at bone density scanning. Patuloy na nakiisa ang Lokal na Pamahalaan para matugunan ang ligtas na menopause transition para sa mga kababaihan ng Carmona.
