pugay tagumpay 2025: pagkilala sa mga pamilyang nagtapos bilang benipisyaryo nf 4ps

October 24, 2025

Idinaos ang Pugay Tagumpay 2025: Pagkilala sa mga Pamilyang Nagtapos Bilang Benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa pangunguna ng Office of the City Social Welfare and Development Officer. Dito ay binigyang pagkilala ang mga nagsipagtapos na nagbahagi rin ng kanilang matagumpay na kwento bilang bahagi ng 4Ps.

 

Saludo po kami sa lahat ng nagsipagtapos sa 4Ps at ang inyong tagumpay ang magsisilbing inspirasyon sa lahat. Mabuhay po kayo!