PROJECT SINAG AND SPARK: EDUCATIONAL ASSISTANCE OF LGU CARMONA
project sinag and spark: educational assistance of lgu carmona
October 19, 2025
Pinangunahan ni City Mayor Dahlia A. Loyola ang pamamahagi ng educational assistance para sa 2nd Batch of beneficiaries ng Project SINAG (Scholarship, Incentives, & Networks in Advancing Graduate Studies) at Project SPARK (Specialized Program for Achieving Review Knowledge) mula sa City of Carmona. Ito po ay bilang tulong sa ating mga kababayan na nag-aaral ng kanilang masteral o doctorate degree at sa mga kukuha ng kanilang board examinations.
Hangad po namin ang inyong tagumpay sa inyong mga napiling larangan at palaging nakaagapay ang Lokal na Pamahalaan para sa inyong mga pangangailangan para matupad ang inyong mga mithiin sa buhay.