one-tie benefit program for octogenarian in-betweek milestone ages sa city of carmona

October 23, 2025

Ipinagkaloob ang one-time cash gift na Php 10,000 para sa mga minamahal nating lolo at lola na qualified octogenarian na nasa In-Between Milestone Ages edad 81-89. Ang nasabing one-time benefit program ay para sa mga octogenarians na hindi pa kabilang sa National Program for Octogenarians, Nonagenarians, at Centenarians sa bisa ng Resolution No. 36-2025.


Sana po ay makatulong po ang handog na ito sa inyong mga pang-araw-araw na pangangailangan. Patuloy na pahahalagahan ng Lokal na Pamahalaan ang kontribusyon ng inyong sektor sa komunidad dahil isa kayo sa aming inspirasyon para pagbutihan pa ang ating serbisyo publiko.