OCCDO CONDUCTS CDA ORIENTATION

October 14, 2025

Sa pangunguna ng Office of the City Cooperative Development Officer (OCCDO), matagumpay na isinagawa ang Cooperative Development Authority (CDA) Orientation para sa mga Barangay Officials na layon na palalimin ang kaalaman hinggil sa kooperatiba at pag-unlad ng antas ng kabuhayan sa mga barangay.

 

Ang programa ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Chair on Committee of Cooperative Development and Livelihood, Hon. Geraldine R. Maquinay, at ng CDA Region IV-A, sa pangunguna ni Ms. Danica Dela Roca.