MR. GAD KATROPA SEMINAR OF POPCOM CARMONA

October 18, 2025

Isinagawa noong Oktubre 18, 2025 ang MR. GAD KATROPA (Kalalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa Pamilya) Seminar sa pangunguna ng Office of the City Population Officer at Cavite Population and Development Office, katuwang ang Barangay Mabuhay sa pangunguna ni Hon. Fernan Barabat. Ito ay dinaluhan din nina Mayor Dahlia A. Loyola, Vice-Mayor Cesar L. Ines, Jr., at ang Sangguniang Panlungsod Members.

 

Tinalakay sa nasabing seminar ang responsibilidad ng mga kalalakihan, hindi lamang para sa kanilang sarili, kundi pati sa kanilang pamilya at komunidad. Layon ng programa na palawakin ang kanilang kamalayan ukol sa responsible parenthood at family planning, bilang bahagi ng pagtataguyod ng matatag at maunlad na pamilya. Pinangunahan ni Hon. Fernan Barabat ang MR. GAD Katropa Pledge kasabay ng pagsasagawa ng KATROPA Membership ID capturing para sa mga dumalo, bilang pormal na pagkilala sa kanilang pagiging miyembro ng MR. GAD KATROPA.