Idinaos ng Office of the City Health Officer ang Mental Health in the Workplace Seminar na “Introduction to Mental Health & Psychosocial Support and Psychological First Aid for CHO Staff” na dinaluhan ng mga kawani ng nasabing tanggapan. Ito ay bahagi ng mga programa ng ating City of Carmona Mental Health Program.
Layon ng nasabing seminar na mabigyang halaga ang Mental Health ng bawat kawani ng nasabing tanggapan at upang mabahagian sila ng mahahalagang kaalaman ukol sa psychological support at psychological first aid.