lydc carmona is most outstanding local youth development council in the philippines

October 23, 2025

Lubos na ipinagmamalaki ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona na hinirang ang Local Youth Development Council (LYDC) ng City of Carmona bilang Most Outstanding LYDC in the Philippines ng National Youth Commission sa ilalim ng Office of the President. Ginanap ang awarding  sa ginanap na 2025 Philippine Youth Development Plan (PYDP) Festival KABAYANI and LYDC Assembly sa Panglao, Bohol.

 

Ang naturang pagkilala ay personal na tinanggap ng mga kawani at ng Officer-in-Charge ng Community Affairs and Youth Development Office na si Mr. Leonard Danniel Diaz. Ang pagkilalang ito ang nagpapatunay ng ating patuloy na dedikasyon at suporta sa youth sector ng Lungsod kung saan #DitoSaCarmonaKabataanAngBida at #DapatAngatLahat!

 

Congratulations po sa ating lahat! Ang tagumpay ng kabataan ay tagumpay ng lahat.