Sa pangunguna ng Office of the City Health Officer ay idinaos ang Lolo & Lola: Partners in the First 1000 Days na dinaluhan ng 100 na senior citizens sa Lungsod. Ang naturang programa ay idinaos sa Carmona Plaza na naglalayong mabigyang-diin ang kahalagahan ng gampanin ng mga lolo at lola para magbigay suporta sa mga magulang.
Layon nito na mabigyan halaga ang first 1000 days of life na kailangan pangalagaan ng ina habang nagbubuntis. Ang mga araw na ito ang nagsisilbing “golden window of opportunity” na magsisilbing pundasyon sa kalusugan, nutrisyon, development, at optimal growth ng isang bata.