BALIK PANINGIN PROGRAM FOR ELDERLY FILIPINO WEEK 2025
balik paningin program for elderly filipino week 2025
October 21, 2025
Bilang bahagi ng pakikiisa sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week ngayong taon ay nagdaos ang Office of the City Health Officer ng Balik Paningin Program kung saan nasa 23 na aktibong senior citizens mula sa Lungsod ang nabigyan ng libreng salamin sa mata.
Layon ng programang ito na matugunan ang medikal na pangangailangan ng elderly sector bilang pagpapahalaga sa kanilang kontribusyon sa ating komunidad.