balik paningin program at miles main

October 21, 2025

Nagtungo ang Balik Paningin Program ng Office of the City Health Officer para mamahagi ng libreng eyeglasses para sa 93 na mag-aaral ng Milagrosa Main Elementary School (MILES MAIN).

 

Taos-pusong pasasalamat sa Metalcast Corporation & AdventEnergy na ating sponsors sa nasabing programa na nagsilbi bilang instrumento upang mabigyan ng libreng salamin ang mga mag-aaral ng nasabing paaralan. Lubos ang aming paghanga sa inyong dedikasyon at adbokasiya.