ledipo carmona conducts kreatibs 2025
October 08, 2025
Idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pangunguna ng Local Economic Development and Investment Promotions Office, ang Knowledge, Resources, Empowerment, Assistance, Training, Innovation for Creative and Indie-Based Sector o KREATIBS 2025.
Ang mga kalahok na Youth 4 Creatives edad 15-30, mula junior high school hanggang young professionals, ay sumailalim sa 2-Day creative writing, communication design, in depth philosophical training on film, at ideation gamit ang Design Thinking process kung saan gumawa at nag pitch ang mga kalahok ng programa patungkol sa Mental Health at sa iba pang sektor.
Maraming salamat sa mga nagsilbing resource speaker ng nasabing aktibidad na sina Mr. Ron Canimo (Author-Publisher ng Mga Tala at Tula), Mr. Lech Velasco (Multidisciplinary Designer), Mr. Gabby Malvar (Multi-awarded Photographer, Filmmaker, Documentary Writer), at Ms. Rheanne Jimeno (Creative Director of Pumpkin Juice Creatives). Hindi matatawaran ang inyong ibinihaging kaalaman para sa ating Youth 4 Creatives.
Ang KREATIBS 2025 ay naka-angkla sa SDG 2030: SDG 8 (Decent Work and Economic Growth) and SDG 9 (Industry, Innovation, and Infrastructure)
