Dinaluhan ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pangunguna ng ating City Administrator na si Mr. Dave Peñano, ang Grand Opening ng Nissan Carmona na isang bagong car dealership na matatagpuan sa Barangay Cabilang Baybay. Ang bagong establisyimento na ito ay magbibigay ng bagong oportunidad sa pamamagitan ng mga trabaho at paglago ng mga konektadong sektor sa ating komunidad.