financial assistance for the lgbtqia+ community of the city of carmona

October 04, 2025

Nasa 670 na miyembro ng Carmona Gay Movement at Carmona Lesbian Movement ang tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Lungsod ng Carmona. Layon ng programang ito na matulungan at mapalakas ang kabuhayan ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

 

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng adhikain ng Lokal na Pamahalaan tungo sa isang pantay-pantay na komunidad at oportunidad para sa lahat  na walang tinitingnang anomang kasarian.