mayor dahlia a. loyola is most outstanding lce and napolcom deputized officer

September 27, 2025

Pagbati sa ating Punong Lungsod na si Mayor Dahlia A. Loyola na kinilala bilang isa sa mga Most Outstanding Local Chief Executive (LCE) at National Police Commission (NAPOLCOM) Deputized Officer. Ang pagkilalang ito ay iginawad sa Culminating Activity ng 31st National Crime Prevention Week (NCPW) at 59th NAPOLCOM Founding Anniversary noong Setyembre 25, 2025 sa Monochrome Events Place, Nuvali, Sta. Rosa City, Laguna.

 

Ang pagkilalang ito ang sumasalimin sa patuloy na pagbibigay halaga ng Lokal na Pamahalaan para sa seguridad at proteksyon ng mga mamamayan sa Lungsod ng Carmona. Congratulations po, Mayor Dahlia!