distribution of incentive from the one-time benefit program for-ridden octogenarian in-between milestone ages in the city of carmona
October 1, 2025
Personal po tayong nagtungo, kasama ang Sangguniang Panlungsod Members, sa mga tahanan ng ating mga bed-ridden na octogenarian in-between milestone ages para magkaloob ng cash incentive mula sa One-Time Benefit Program ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona.
Sa bisa ng Resolution No. 36-2025, atin pong ipinagkaloob ang one-time cash gift na Php 10,000 para sa mga minamahal nating lolo at lola na qualified octogenarian na nasa in-between milestone ages edad 81-89. Ang nasabing one-time benefit program ay para sa mga octogenarians na hindi pa kabilang sa National Program for Octogenarians, Nonagenarians, at Centenarians.
Nawa ay inyong pagyamanin ang handog na ito para sa inyong mag kailangan sa pang-araw-araw. Kayo ang aming inspirasyon para pagbutihan pa ang ating serbisyo publiko.
