Isinagawa ang Ceremonial Distribution ng mga ATM Cards para sa pamamahagi ng honorarium at allowance ng OSCA officers, PWD Leaders Desk Officers, Carmona Performing Arts Group, at Iskolar ng Bayan ng Carmona, Cavite (IBCC) Task Force. Ito ay bunga ng inisyatiba ng Office of the City Treasurer sa pangunguna ni Ms. Edwina R. Ledesma.
Layon nito na mas mapadali at mapabilis ang distribusyon ng honorarium at allowance na magagamit ng mga nasabing grupo at organisasyon sa pagpapatupad ng kanilang programa at serbisyo publiko para sa ng lungsod.