official launching of pawtektado animal welfare program

September 20, 2025

Ang PAWtektado Animal Welfare Program ay opisyal na inilunsad sa City of Carmona na naglalayong magbigay ng mga serbisyo gaya ng vaccination, pet microchip implant, spay and neuter procedures, at responsible pet education para sa ating komunidad.

 

Maraming salamat sa ating mga naging katuwang para sa matagumpay na Launching ng PAWtektado sa pangunguna ng Heaven’s Grace Veterinary Services  (Anti-Rabies Vaccination), Petdentity  (Microchipping), Pet Partner Philippines, Inc. (Spaying/Neutering), Club PAWSOME, at mga Homeowners’ Association ng Carmona Estate at mga Pamahalaang Barangay ng Lantic.

 

Para sa panimula ng programang ito, nasa mahigit 250 pets mula sa Carmona Estate, Barangay Lantic ang nabigyan ng mga libreng serbisyo para sa kanilang mga alagang aso at puso. Abangan ang pagpapatuloy ng PAWtektado na dadako naman sa iba pang mga barangay sa City of Carmona.