FREE EYEGLASSES FROM THE BALIK PANINGIN PROGRAM FOR STUDENTS OF BANES
free eyeglasses from the balik paningin program for students of banes
September 24, 2025
Bumisita ang Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pamamagitan ng Office of the City Health Officer, upang magsagawa ng distribusyon ng libreng eyeglasses mula sa Balik Paningin Program para sa 93 na mag-aaral ng Bancal Elementary School (BANES).
Maraming salamat sa ating butihing sponsor na Carmona Sorteo Masonic Lodge No. 451 sa pangunguna ng kanilang Worshipful Master, Atty. Marc Taruc. Saludo po kami sa inyong patuloy at hindi matatawarang pagtulong para sa mga mag-aaral ng Carmona!