cavite state university - carmona campus 21st commencement exercises
September 25, 2025
Pagbati, Cavite State University – Carmona Campus Class of 2025!
Matagumpay na idinaos ang 21st Commencement Exercises para sa mga mag-aaral na nagsipagtapos mula sa Cavite State University – Carmona Campus. Dito ay ating nakasama si Dr. Ma. Agnes P. Nuestro, University President, at si Hon. Ivee Jayne A. Reyes na nagsilbing Commencement Speaker ng naging seremonya.
Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng inyong napagtagumpayan bunga ng inyong pagsisikap at kasipagan. Gamitin niyo nawa ang lahat ng inyong natutunang aral para makatulong sa kapwa at para sa Bayan. Hangad namin ang inyong patuloy na tagumpay sa inyong mga napiling larangan.
Mabuhay, CVSU Carmona Class of 2025!
