turnover of robotics equipment cnhs and allshs

September 17, 2025

Para sa mga Robotics Team ng Carmona National High School (CNHS) at Angelo L. Loyola Senior High School (ALLSHS) ay handog ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona ang bagong Robotics equipment na kanilang magagamit para sa robotics education sa kanilang mga paaralan.

 

Nawa’y inyong pagyamanin ang mga kagamitan na ito para luminang ng inyong kaalaman at kasanayan sa mga makabago at napapanahong larangan gaya ng robotics. Patuloy po tayo sa pagsuporta sa mga programa para sa pagtaas ng antas at kalidad ng edukasyon sa City of Carmona.