pustiso para sa masa program of lgu carmona

September 18, 2025

Bagong magagandang ngiti ang handog ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pamamagitan ng Office of the City Health officer, para sa 112 na beneficiaries ng Pustiso Para sa Masa. Sila po ay ating pinagkalooban ng free dentures na magpapabuti ng kanilang oral health at magpapadali ng kanilang pagkain at pagsasalita.

 

Sana’y magdulot ang inyong mga magagandang ngiti ng saya at kaligayahan at madagdagan nito ang inyong kumpiyansa sa sarili. Ipagpapatuloy po ng Lokal na Pamahalaan ang paghahatid ng mga medikal na serbisyo gaya ng dental services sa bawat mamamayan at sektor sa Lungsod dahil sa City of Carmona, Bayan Muna Lagi at Dapat Angat Lahat.