Nasa 365 na learners ng Comprehensive Approach, Responsive Education, and Rehabilitation (CARER) Program ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ang dumalo sa isinagawang libreng educational trip ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona sa J Castle sa Tanauan, Batangas. Ang nasabing educational trip ay bahagi ng Social Enhancement Activity ng mga mag-aaral sa pamamahala ng PDAO.