3rd quarter meeting for local special bodies / local school board

September 17, 2025

Pinangunahan ni City Mayor Dahlia A. Loyola ang 3rd Quarter Local Special Bodies Meeting para sa mga miyembro ng Local School Board ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona. Sa nasabing meeting ay pinag-usapan ng mga miyembro ng Local School Board ng siyudad ang mga napagtagumpayan nito sa mga nagdaang quarter at ang mga suliranin na dapat pang tugunan para sa dekalidad na edukasyon ng mga mag-aaral.