adolescent health and deelopment of popcom at lanes
September 10, 2025
Ginanap sa Lantic Elementary School ang Adolescent Health and Development sa pangunguna ng Office of the City Population Officer, kasama ang Pamahalaang Barangay ng Lantic at Office of the Provincial Population Officer na dinaluhan ng mga mag aaral mula sa Grade 6 ng nasabing paaralan. Sila ay aktibong nakibahagi sa talakayan, open forum, at film showing na tungkol mga issue kaugnay ng adolescent health at development.
Layon nito na magbigay-kaalaman sa mga kabataan tungkol sa mga panganib at epekto ng maagang pagbubuntis. Ipinapakita ng proyektong ito ang patuloy na dedikasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona na protektahan ang kalusugan at tiyakin ang magandang kinabukasan ng mga kabataan.
