popcom carmona conducts adolescent pregnancy prevention symposium at allshs
September 5, 2025
Bilang bahagi ng adbokasiya laban sa hindi planadong pagbubuntis, nagsagawa ang Office of the City Population Officer, katuwang ang Office of the City Health Officer at ang Office of the Provincial Population Officer – Cavite, ng Adolescent Pregnancy Prevention Symposium noong September 5 sa Angelo L. Loyola Senior High School (ALLSHS)
Ito ay nilahukan ng mga piling Grade 11 students na aktibong nakibahagi sa lecture, open forum, at film showing na tumalakay sa mga panganib at epekto ng adolescent pregnancy. Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na hakbang ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona upang mapangalagaan ang kalusugan, edukasyon, at kinabukasan ng mga kabataan.
