pdao carmona conducts disability awareness sensitivity orientation for private companies

September 02, 2025

Pinangunahan ng Persons with Disability Affairs Office ang Disability Awareness Sensitivity para sa mga kinatawan ng mga private companies sa City of Carmona. Dito ay nagsagawa ng isang Seminar ukol sa iba’t-ibang paksa gaya ng DASO sa pangunguna ng Link Center for the Deaf, Republic Act No. 10524 at BP 344 ng National Council of Disability Affairs, at Ordinance 1% sa pangunguna naman ng Office of the City Public Employment Service Manager.

 

Layon ng nasabing seminar na makalikha ng inklusibong komunidad kung saan walang kahit sinoman ang maiiwan sa mga pribadong establisyimento para sa pantay-pantay na karapatan para sa mga PWDs.