free eyeglasses for miles west pupils

September 04, 2025

Bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Sight Saving Month ay nagsagawa ang Office of the City Health Officer ng refraction o pagsusukat ng salamin para sa libreng eyeglasses ng 80 na mag-aaral mula sa Milagrosa West Elementary School (MILES WEST).

 

Lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod sa kabutihang loob ng Rotary Club of Carmona na nagsilbi bilang sponsor ng naturang aktibidad para sa mga kabataang nangangailangan ng salamin sa mata.