FREE DENTAL HEALTH SERVICES FOR MILAGROSA PROPER CHILD DEVELOPMENT CENTER PUPILS
free dental health services for milagrosa proper child development center pupils
August 29, 2025
Bumisita ang Office of the City Health Officer sa Milagrosa Proper Child Development Center upang magsagawa ng libreng oral examination at nagturo ng supervised toothbrushing, flouride application, at oral health education para sa 69 na mag-aaral mula sa nasabing DayCare.
Lahat ng nasabing mag-aaral ay nabigyan ng dental kit na kanilang magagamit upang mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kanilang mga ngipin. Ito ay bahagi ng mga hakbang ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona upang maghatid ng mga medikal at dental na serbisyo sa mga mamamayan.