carmona rescue olympics 2025 of cdrrmo

August 30, 2025

Idinaos ng Office of the City Disaster Risk Reduction and Management Officer sa CarSiGMA Gymnasium ang Carmona Rescue Olympics 2025. Ito ay dinaluhan ng mga rescue teams mula sa mga barangay ng City of Carmona kasama ang Carmona City Unity and Rescue Group at United Kabalikat Civicom – Carmona Chapter.

 

Ang programang ito ay naglalayong makapagbigay ng pagkakataon para masubukan ang kaalaman at kakayanan ng ating mga local responders sa pamamagitan ng pagsasailalim sa rescue challenges at simulations. Dulot nito ang pagpapatibay ng preparedness, teamwork, at community resilience ng ating mga responders sa anomang panahon ng emergency para makapagligtas ng buhay ng mga nangangailangan. Ang naturang programa ay bahagi ng pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona sa National Disaster Resilience Month 2025.