awarding of certificate of accreditation and selection of representatives to the local special bodies
September 01, 2025
Nasa 50 na Civil Society Organizations (CSO) ang ginawaran ng Certificate of Accreditation at 18 recognized organizations naman ang binigyang pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona sa idinaos na Awarding of Certificate of Accreditation and Selection of Representatives to the Local Special Bodies sa Carmona Community Center. Ito ay sa pangunguna ng CSO Desk, Office of the City Vice Mayor, at Office of the Sangguniang Panlungsod, sa pakikipagtulungan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Carmona.
Ang programang ito ay alinsunod sa DILG MC No. 2025-060 Guidelines on CSO Accreditation. Ang pagdami ng accredited organizations sa ating Lungsod ay patunay na mas lalong lumalakas ang pagtutulungan at kooperasyon sa pagitan ng mga CSOs at ng Lokal na Pamahalaan.
Idinaos din dito ang pagpili ng mga magiging kinatawan ng mga CSOs sa Local Special Bodies gaya ng Local Health Board, Local School Board, Peace and Order Council, City Development Council, at iba pa, na pinangasiwaan ni Engr. Patrick Doloros, Chairperson ng Carmona People’s Council at ni Ms. Cien Baurile, CSO Desk Officer. Layunin nito na mas lalo pang mapalawak ang boses ng iba’t ibang sektor sa lokal na pamamahala.
Congratulations sa ating 50 accredited CSOs at 18 recognized CSOs ng City of Carmona! Nawa’y patuloy namin kayong makasama sa paghahatid ng serbisyo publiko kung saan Bayan Muna Lagi at Dapat Angat Lahat.
