Sa pangunguna ng Office of the City Population Officer ay idinaos ang 3-Day Training on Pre-Marriage Orientation (PMO) na dinaluhan ng mga trainors on PMO. Dito ay nagsilbi bilang speakers sina Mr. Andy L. Pergis at Mr. Emmanuel T. Buela na mga Capacity Development and Field Coordinators (CDFC).
Layon ng nasabing training na mabigyan ng kaalaman ang mga dumalong trainors sa mga gampanin at responsibilidad ng mag-asawa, gaya ng mga batas ukol sa kasal at mga serbisyo ng gobyerno para sa mga mag-asawa, at iba pang kaugnay na diskusyon tungkol sa sexuality at HIV-AIDS.