opening of cnhs intramurals 2025

August 29, 2025

“One Spirit, One Goal, Uniting Hearts Building Champions”

 

Idinaos ng Carmona National High School (CNHS) ang Opening Ceremony ng Intramurals 2025 na lalahukan ng mga mag-aaral mula Grade 7-10 ng nasabing paaralan. Ito po ay ating dinaluhan kasama ang kanilang Punong Guro na si Mr. Jose E. Samson, Jr. sa Carmona Plaza.

 

Isinagawa dito ang parada kasama ang mga atleta sa bawat grade level at idinaos din ang Oath of Sportsmanship, Selection ng Mr. and Ms. Intrams, at ang Mass Demo Competition. Best of luck po sa mga magwawagi mula sa Grade 7 Bulldogs, Grade 8 Marvel, Grade 9 Pirates, at Grade 10 Wild Tigers!