legal caravan and usapang barangay of lgu carmona at barangay maduya

August 28, 2025

Patuloy ang pagbisita ng Office of the City Legal Officer sa iba’t-ibang barangay para magdaos ng Legal Caravan Para sa Carmonians at Usapang Barangay Para sa Opisyal. Sila naman ay dumako sa Barangay Maduya upang magbigay ng libreng legal consultation sa mga residente at kawani ng barangay nito.

 

Para sa natitirang schedule ng Legal Caravan at Usapang Barangay, magtungo lamang sa Official Facebook Pages ng City Government of Carmona para makatanggap ng libreng legal consultation mula sa Lokal na Pamahalaan.